comment 0

An Open Letter to Non-Millennials

Yes, your eyes were not deceiving you when you saw that massive rally unfold last Friday. Innocent-looking students and 20-something yuppies crying their hearts out protesting against the treacherous burial of a non-hero, corrupt dictator. They were there and you saw them. They were shouting and you heard them.

Siyempre naisip n’yo: sino ‘tong mga uhuging ito? Mga wala namang alam. Rally nang rally, kaysa mag-aral. Gumagawa pa ng perwisyo. Mga entitled brats, brainwashed, coerced.

“Buhay na ba kayo noong panahon ni Marcos para malaman ang mga sinasabi ninyo?”

Yan ang paboritong nyong tanong.


.
.
Tama nga naman: wala pang ipinapanganak sa amin noong panahon na kay unlad diumano ng bansang ito.

Mawalang-galang na po, pero ang tanong naman namin:
.
.
Kung maganda nga ang buhay noong araw…

O, anyare?
.
.
Anong nangyari sa Pilipinas? Bakit mas mayaman pa ang mga Kardashians kaysa bansa? Kasalanan ng mga Aquino? Ni Ramos, Erap, Gloria atbp? (Oo, may mga kasalanan sila at nasa listahan sila ng sisingilin.)

Hindi ba 21 taon sa kapangyarihan si Apo? 6 + 15 taong illegitimate rule na dinaan sa kamay na bakal? At ano ang nangyari sa atin noong nasa pwesto siya?

Lumobo nang $26 Billion ang foreign debt. Massive poverty. Secessionist movements. Desaperacidos. Human rights abuses. Crony capitalism. Alahas ni Imelda. Bilyon-bilyong pisong ninakaw.

Ang tanong ulit namin:

Anyare?

Anong ginawa n’yo noong “nabubuhay” na kayo?
.
.
May mga nakipaglaban (salamat!). Pero ang karamihan sa inyo, nanood at naging kampante na lang ba? O kayo mismo ang pasimuno sa paggawa ng mali?

O wala na kayong paki noon pa? Kayo ba ang nagpauso ng “Wala na tayong magagawa diyan, di natin kaya iyan.” ?

Pero may nagawa. Kinaya naman. Naibalik ang demokrasya. Pero pagkatapos, anong ginawa ninyo?

Pagkaalis ni Marcos, sino ang sumunod na liderato? Sino ang nagpatakbo ng lipunan? Sinong henerasyon ang in-charge noon?
.
.
Hindi ba kayo?

Hindi na nakabangon ang Pilipinas. Second biggest economy in Asia after World War 2. Now, 3rd World extraordinaire.

Sunod-sunod na kurapsyon at iskandalo. Kaliwa’t kanang krisis. Samu’t saring kahirapan in all forms.

Kayo ang “buhay na”, kayo ang mas “nakaka-alam”, kayo ang nasa kapangyarihan, kayo ang may pagkakataong itama ang mga mali, kayo ang may tsansang ayusin ang bansa.
.
.
Muli, ang tanong namin:

Ano ang ginawa ninyo? Ano ang ginawa ninyong mali? Ano ang HINDI n’yo ginawa? Bakit hinayaan n’yo lahat ito?
.
.
Ngayong “buhay” na kami, guess what? Kay sarap maging kabataan; it’s more fun in the Philippines!

Lack of education opportunities. Unemployment. Income inequality. OFW diaspora. Brain Drain. Shitty infrastructures. Environmental damage. Poverty. Corruption. Drugs. National amnesia. Extrajudicial killings. Political dynasties. Return of the oligarchs. Mga kriminal na di napaparusahan. At by the way, may national debt pang babarayan.

At kami pa ang “entitled”?
.
.
Sesermunan ninyo kami na kesyo walang nagagawang mabuti sa lipunan? Na wala ng alam kundi mag-selfie at manood ng AL-Dub at magreklamo na mabagal ang wifi?

Sasabihan na mag-aral na lang kaysa magprotesta?

Eto po chismis: Nag-aaral po kami kaya mulat po sa mga isyung mali KAYA kami nagpro-protesta.

Yet whatever we do, you dismiss us as unthinking, entitled morons.
.
.
FYI po: sa mga nakalimot at talagang ulyanin na:

Ang mga kabataan ang nagdudusa sa mga paghihirap na kayo ang may gawa. Ang mga kabataan ang nagdadala ng lahat ng problema na kayo ang nagpasa. We are cleaning the mess you made (but could have prevented).

Hanggang 2025 pa namin babayaran ang utang ni Makoy atbp. 2025? Malamang tigok na kayo nyan.

At sinong maiiwan? Hindi ba kami?
.
.
You gave us this fucked up nation.
This shit is your legacy.
And you never apologized for it.
Worse, you have the gall to blame us.
.
.
Pero andiyan na iyan, back to work. Buong buhay kaming kakayod para maiangat ang antas ng pamumuhay. Buong buhay naming aayusin lahat ng problema. Para maibangon muli ang bansa. Para naman may maipagmalaki kami maliban kay Manny Pacquiao.

Para may katuturan naman ang bawat #pinoypride na ibinibida namin sa Facebook at Twitter.

Lumalaban kami dahil may nilalabanan. At mayroong kaming ipinaglalaban.

Nilalabanan namin ang mapait at malupit na alaala ni Marcos at iba pang tiwaling bumalahura sa bansa.

Nilalabanan namin ang kultura ng katangahan, impunity, corruption, lack of honor and excellence, beggar mentality, at irresponsibility na talamak sa lipunan at gobyerno ngayon.

Nilalabanan namin ang MALI – plain and simple.

And yes, we do THINK.
But unlike some of you condescending lot, we choose to ACT.
.
.
Dahil kinabukasan namin ang nakasalalay dito. Dahil bansa din namin ito. We dutifully do it because we have no other choice. This is the only country we have so it is only our right – and responsibility – to make it better.
.
.
Yes, we are “entitled” – we deserve a better country.
.
.
We hate blame games – we are too busy. Pero kayo ang panay pintas at sisi sa amin; we are just responding. Ulitin lang namin: Hindi pa kami “buhay” noong mga panahong lumikha ng magulong bansang ito.

Yet you brought us into this world. For that we are forever grateful, but your moral high ground ends there.

Did you not teach us to become good citizens? To do good and correct the wrong?

That’s exactly what we are doing right now.
.
.
Disclaimer: Marami pa rin sa henerasyon ninyo ang patuloy na lumalaban. Na patuloy na nagsisikap para sa bansa natin. Kakampi namin sila.

Pero marami rin ang panay tuligsa sa henerasyong hindi ninyo maintindihan. Marami ang nalugmok na sa complacency at apathy. Marami ang sumuko na at tumanga na lang. Kayo po ang kinakausap namin.
.
.
You gave up. Kaya kami ang lumalaban ngayon.

Kaya mawalang galang na pero, ang gago n’yo.. po.
.
.
Tapos na ang panahon nyo. You squandered it. Laban na ng mga kabataan ngayon. We will take over.

Sinisiguro namin na hindi mauulit ang mga pagkakamali at pagkukulang na ginawa ninyo. Sinisiguro namin na ang mga anak at apo at iba pang henerasyong susunod sa amin will live a better life than what we have right now.

And protestiing what is evil is one of our ways.

In times of wrong. we fight for what is right.
We fight because it is our right. And it is only right to fight.
.
.
“Nabubuhay” na rin kasi kami, in case you didn’t notice.

If you wanna join us, you are more than welcome.
If you are still fighting, then don’t deny us the right to do the same.
Kung hindi kayo tutulong, hayaan n’yo na lang kami.
Kung naiistorbo at naiingayan kayo, pasensya na po.
.
.
To quip a revolutionary slogan:

We apologize for the inconvenience.
We are busy building the future.
.
.
Gumagalang,
Entitled Millennial

#NeverAgain #LabanKabataan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *